_ngayon
^

National Task Force sa WPS, kinastigo ni Locsin c

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinastigo ni Fo­reign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS) dahil sa paglalabas ng anunsiyo na hindi kumukunsulta sa kanyang tanggapan.

Dahil dito kaya agad ipinag-utos ni Locsin ang paghahaing muli ng diplomatic protest laban sa China.

Kasabay nito sinita naman niya ang NTF-WPS sa pagpapalabas ng balita tungkol sa presenya ng 287 Chinese vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas na hindi naman kumokunsulta sa DFA

Ang tinutukoy ng Kalihim ay ang ipinalabas na press release ng NTF-WPS noong Mayo 12 na may 287 Chinese vessels ang nakakalat sa Kalayaan islands.

Dahil dito kaya pi­nagpapaliwanag ni Locsin ang task force kung bakit agad itong nagpapalabas ng ganitong ulat nang hindi man lang inaabisuhan ang DFA muna.

Tila tinuruan naman ni Locsin na dati din mamamahayag at kolum­nista ang task force para sa mas ma­bisang pagpapalabas ng mensahe.

NTF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with