_ngayon
^
COVID-19 results ng 13 co-passenger ng 2 OFW, bineberipika na â DOH
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang 13-biyahero ay kasama sa flight ng 37-anyos na OFW na dumating sa Pilipinas mula sa Oman nitong Abril 10.
The STAR/Edd Gumban

COVID-19 results ng 13 co-passenger ng 2 OFW, bineberipika na – DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsasagawa nga-yon ng beripikasyon ang Department of Health (DOH) sa COVID-19 test results ng 13 ‘co-passengers’ ng dalawang OFW na nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang 13-biyahero ay kasama sa flight ng 37-anyos na OFW na dumating sa Pilipinas mula sa Oman nitong Abril 10.

“‘Yun po ang tinitingnan natin sa ngayon. Meron po tayong 13 pasahero na tinitingnan at bine-verify po natin kung ano ‘yung mga naging resulta ng kanilang mga RT-PCR when they arrived here,” ayon kay Vergeire.

Sinabi rin ng opisyal na orihinal na nanggaling sa Belgium ang pasyente at sumakay sa panibagong flight sa Oman patungo sa Pilipinas.

Nasa proseso naman ang DOH ng pagkuha ng ‘flight manifest’ ng 58-an-yos na seaman na galing  naman sa UAE na nagpositibo rin sa Indian variant.

Dalawa sa limang biyahero na galing sa India at nakalapag ng Pilipinas bago ipatupad ang travel ban ang nakarekober na sa COVID-19.  Patuloy namang nasa isolation ang nalalabing tatlo.

Isinailalim na rin sa ‘genome sequencing’ ang dalawang samples buhat sa grupo at nagnegatibo naman sa Indian variant.  Ngunit plano pa rin ng DOH na ire-swab ang grupo at isailalim muli sa sequencing para makatiyak.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with