_ngayon
^
Mahigpit na border control vs India variant irerekomenda ng DOH
Kasabay nito, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi nagawang makapanghawa ng dalawang OFW na nagpositibo sa Indian variant dahil sa istriktong ‘border protocols’ ng bansa.
Bureau of Immigration FB Page/File

Mahigpit na border control vs India variant irerekomenda ng DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang irekomenda ng Department of Health (DOH) sa pamahalaan ang mas mahigpit na ‘border control’ para sa mga pasahero na galing sa India at Gitnang Silangan upang makasiguro na hindi na makapapasok ang iba pang kaso ng Indian variant ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kaniya itong idudulog sa pamahalaan kung irerekomenda rin ng kinatawan ng World Health Organization (WHO) na nasa bansa.

Hihingi rin si Duque ng payo sa WHO sa posibilidad na palawakin pa ang travel ban na kanilang ipinatutupad.

Kasabay nito, tiniyak ni Duque na hindi nagawang makapanghawa ng dalawang OFW na nagpositibo sa Indian variant dahil sa istriktong ‘border protocols’ ng bansa.

Bukod pa dito, agad din silang naisailalim sa ‘quarantine’ paglapag nila sa bansa kaya hindi sila nakasalamuha ng ibang indibidwal.

“Our border control is very strict ... that is why we are able to quarantine them because we comply with the isolation, testing, quarantine protocols,” ayon kay Duque.

Related video:

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with