_ngayon
^
Naarestong protocol violators, higit 5 milyon na
Batay sa record ng PNP, nasa 566,177 ang nahuli dahil sa iba’t ibang mga pag­labag na kinabi-bi­langan ng 219,778 sa hin­di pagsusuot ng face shield; 226,904 dahil sa hin-’di pagsusuot ng facemask; 115,999 sa paglabag sa physical distancing at 3,496 ang nahuling nagsasagawa ng mass gathering.
STAR/Miguel De Guzman

Naarestong protocol violators, higit 5 milyon na

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumalo na sa mahigit kalahating milyon ang   naaresto ng Philippine National Police na lumabag  sa mga umiiral na minimum public health standards mula Marso hanggang Mayo 7 ng taong ito.

Batay sa record ng PNP, nasa 566,177 ang nahuli dahil sa iba’t ibang mga pag­labag na kinabi-bi­langan ng 219,778 sa hin­di pagsusuot ng face shield; 226,904 dahil sa hin-’di pagsusuot ng facemask; 115,999 sa paglabag sa physical distancing at 3,496 ang nahuling nagsasagawa ng mass gathering.

Ang pag-aresto sa mga health protocol violators ay bunsod na rin sa pag-iingat na ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan na mahawa at kumalat ang COVID-19.

Ngunit sa pag-upo ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, sinabi nito na patuloy ang pag-aresto sa mga lalabag, idodokumento at agad ding pauuwiin.

Subalit kung paulit-ulit na maaaresto ang isang violator, posibleng sampahan na ito ng kaso sa korte.

Apela ni Eleazar, sumunod sa pinaiiral na health protocols upang maiwasan na ang  anumang  aberya at hindi na makadagdag pa sa trabaho ng mga pulis na nakasabak bilang mga frontliners.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with