_ngayon
^

Occidental Mindoro, niyanig ng 5.8 magnitude na lindol

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.8 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro kahapon ng alas 9:09 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naitala sa may  011 km hilagang kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro. May lalim ito na umaabot sa 106 km.

Bunga nito. naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity V sa Lubang, Occidental Mindoro; Ca­lamba City; Calatagan at Calaca, Batangas.

Intensity 4 sa  Malvar at Lemery, Batangas; Calapan City, Oriental Mindoro; Mendez, Cavite; Limay, Bataan; Tagaytay City; Manila City.

Intensity  3 sa  Agoncillo, Cuenca, Lipa City at Talisay, Batangas; Ge-neral Trias City at Dasma­riñas, Cavite; Makati City, Muntinlupa City Mandaluyong, Pasay City, Pasig City at Quezon City sa Metro Manila gayundin sa San Pedro, Laguna.

Intensity II sa Caloocan City at Marikina City, Metro Manila; Olongapo City, Zambales; Cavite City; Sta. Cruz, Laguna; Taysan, Batangas; Batangas City; Lucena City; Binangonan, Rizal; Dolores at Mulanay, Quezon; at Intensity I sa San Mateo, Rizal; San Francisco, Quezon.

Inaasahan ang aftershocks habang di pa batid ang pinasala dahil sa lindol.

PHILVOCS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with