_ngayon
^

Bong Go sa Indian variant: ‘Wag mag-panic pero ‘wag magkumpiyansa

(Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nababahala si Senator Bong Go sa balitang kinumpirma ng Depart-ment of Health na nakapasok na sa Pilipinas ang Indian variant ng COVID-19.

Kamakailan, sinabi rin ng WHO na “variant of concern” ito dahil posibleng mas nakakahawa at mas malubha ang epekto nito sa tao.

Sinabi ng senador sa publiko na huwag mag-panic dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matugunan ito.

Gayunpaman, sinabi niyang huwag din dapat magkumpiyansa ang  mga Filipino para huwag mahawahan ng virus.

“While the government is on top of the situation, the cooperation of every­one is crucial in order for us to overcome these challenges,” ani Go.

Bilang chair ng Se-nate Committee on Health, muling nanawagan ang senador sa mga eksperto na kailangang mas lalong higpitan ang pagpapatupad ng mga itinakdang health protocols, border controls, disease surveillance measures, at mandatory quarantine lalo na sa mga pumapasok sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variants ng COVID-19.

Sinabi pa ng mambabatas na huwag din isan-tabi ang basic protocols tulad ng pagsuot ng masks at face shields, palaging paghugas ng mga kamay, pag-obserba sa social distancing, at pananatili sa loob ng bahay kung hindi naman kailangang lumabas.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with