_ngayon
^

Contingency plan sa 30K Pinoys sa Israel inilatag

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naglalatag na ng contingency measure para masiguro na ligtas ang halos 30,000 Filipinos sa Israel sa gitna ng gusot sa pagitan nito at Hamas militants.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), wala namang nasugatan o nasaktan na Pinoy sa gitna ng palitan ng airstrikes ng Israel at Hamas.

Kabilang umano sa contingency plan ng ahensiya ay ang paglalaan ng tirahan para sa mga Filipino workers sakaling lumala ang sitwasyon doon.

Sa pinakahuling datos ng DFA noong Enero, mayroong 29,473 Pinoys ang naninirahan at nagtatrabaho sa Israel kung saan karamihan dito ay caregivers at mga kasambahay.

Subalit sa ngayon ay wala pang security advisory o travel alert na inilalabas ang DFA para sa mga Filipino sa Israel sa kabila ng patuloy na pangamba ng ibat ibang bansa sa pagtaas ng tension sa naturang bansa.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with