_ngayon
^
Nahawaan ng COVID-19 sa bansa sumirit sa 1,118,359
A health worker shows syringes filled with Pfizer vaccine as they administer the first dose to those belonging to A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens) and A3 (persons with comorbidity) categories during their continuation of vaccination program for San Juaneños at FilOil Flying V Centre (San Juan Arena) on May 12, 2021.
The STAR/Michael Varcas

Nahawaan ng COVID-19 sa bansa sumirit sa 1,118,359

(Philstar.com) - May 12, 2021 - 4:03pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,842 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya nasa 1,118,359 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,118,359
  • Nagpapagaling pa: 53,214, o 4,8% ng total infections
  • Kagagaling lang: 8,312, dahilan para maging 1,046,431 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 94, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 18,714

Anong bago ngayong araw?

  • Kinumpirma ng Department of Science and Technology, Miyerkules, na naghahanda nang mag-apply ng emergency use authorization ang Pfizer at Moderna para maiturok ang kanilang COVID-19 vaccines sa mga bata sa Pilipinas.

    "Ang mga pag-aaral ng Pfizer ay napakabilis for these younger children... Hintayin na lang po natin na mag-apply sila ng EUA sa atin," ani Dr. Nina Gloriano, head ng vaccine expert panel ng DOST sa state-owned PTV.

  • Kanina lang din nang sabihin ng World Health Organization (WHO) na natatagpuan na ang mas nakahahawang B.1.617 COVID-19 variant sa mahigit 44 bansa, bagay na nasa likod daw ng biglaang pagputok ng pagkarami-raming kaso sa India kamakailan.

  • Kinumpirma naman ng OCTA Research Group na Zamboanga City sa ngayon ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas labas sa National Capital Region (NCR)., bagay na umabot sa 151 kamakailan. Nasa 47% raw aniya ang ibinago nito mula sa mga kaso nito noong nakaraan.

  • Nasa 200 katao naman ang inaresto sa Quezon City kaugnay ng hindi pagsusuot ng face masks laban sa COVID-19 vaccine, bagay na nagresulta sa pagmumulta sa kanila ng P300 kada tao.

  • Nakatakda namang ibigay bilang "first dose" ang bulto ng mga AstraZeneca vaccines sa Pilipinas, bagay na nalalapit na raw mag-expire, sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam ng Teleradyo.

  • Umabot na sa halos 158.7 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng WHO. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit-kumulang 3.3 milyong katao.

— James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with