_ngayon
^
Indian COVID-19 variant nakapasok na sa Pinas
Sa ulat ng Department of Health (DOH) sa media forum kahapon, kabilang sa dalawang kaso ang isang 37-taong gulang na lalaking OFW mula sa Oman at ngayon ay nasa Region 12. Dumating siya sa Pilipinas nitong Abril 10 at nakuhaan ng kanyang specimen makaraan ang limang araw.
AFP/Anthony Wallace

Indian COVID-19 variant nakapasok na sa Pinas

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakapasok na rin sa bansa ang Indian variant ng COVID-19 makaraang dalawang ‘overseas Filipino workers mula sa Gitnang Silangan ang nagpositibo sa ginawang ‘genome sequencing’ ng pamahalaan.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) sa media forum kahapon, kabilang sa dalawang kaso ang isang 37-taong gulang na lalaking OFW mula sa Oman at ngayon ay nasa Region 12. Dumating siya sa Pilipinas nitong Abril 10 at nakuhaan ng kanyang specimen makaraan ang limang araw.

Sumailalim naman siya sa isolation sa isang hotel sa Natio­nal Capital Region at naka­rekober na nitong Abril 26. Mayo 3 nang magnegatibo na siya sa RT-PCR test at kasalukuyang asymptomatic.
Tinukoy naman ang ikalawang kaso na isang 58-anyos na seaman na nagmula sa United Arab Emirates at kasaluku-yang nasa Bicol Region.  Dumating siya ng bansa nitong Abril 19 at nakunan ng specimen nitong Abril 24.

Isinailalim siya sa isolation sa Clark, Pampanga at nakarekober na nitong Mayo 6.  Kasalukuyan din siyang walang sintomas ngayon.

“Dahil ang ating mga kaso pagdating ay nala­gay sa quarantine, wala po tayong nadetect na close contacts... As of now, the information we got is they have no travel history from India,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kasalukuyang nagpapatupad ang pamahalaan ng travel ban sa India at iba pang bansa na kalapit nito sa Gitnang Asya.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with