_ngayon
^
Duterte nagdeklara ng nationwide state of calamity dahil sa African swine
Ang kautusan ay inilabas ng Ma-lakanyang base sa Proclamation no. 1143 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na nagdedeklara ng State of Calamity sa bansa dahil sa ASF outbreak.
AFP/File

Duterte nagdeklara ng nationwide state of calamity dahil sa African swine

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Calamity sa buong bansa sa loob ng isang taon dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ang kautusan ay inilabas ng Ma-lakanyang base sa Proclamation no. 1143 na pinirmahan ni Duterte noong Lunes na nagdedeklara ng State of Calamity sa bansa dahil sa ASF outbreak.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang kautusan ng Pangulo ay magiging epektibo simula kahapon, Mayo 10 at sa loob ng isang taon.

Maliban na lamang umano kung maaga itong aalisin o mapapalawig pa, depende kung kakailanganin ng sitwasyon.

Inatasan din ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan gayundin ang local government unit na makipagtulungan para masigurong matutuldukan ang paglaganap ng ASF.

Pinasisiguro din umano ng Pangulo na sapat ang supply ng karne sa merkado at maging stable ang presyo nito.

Pinabibigyan din ng ayuda ang mga magbababoy para makarekober sa ASF. 

ASF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with