^

Bansa

Duterte inaming humingi ng bakuna sa China

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na humi­ngi siya ng bakuna kontra COVID-19 kay Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Duterte, tumawag siya at nagkaroon  ng phone conversation kay Xi at humingi siya ng bakuna na agad naman tumugon, subalit hindi nila napag-usapan ang tungkol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sa Talk To The People, sinabi ng Pangulo na ang tawag niya ay ginawa sa kasagsagan kung saan walang dumadating na bakuna at walang makuhang bakuna si Secretary Carlito Galvez Jr.

“Ito for public consumption na ito. Tumawag ako kay President Xi Jinping, sinabi ko kasi noong kasagsagan ng walang dumating, walang makapkap si Secretary (Carlito) Galvez (Jr.), sabi ko, ‘Mr. President (Xi), I would like to ask for your help until now Philippines is at a loss to get vaccines,” sumagot naman umano si Xi na “It’s okay we will help you,” sabi pa ng Pangulo.

Nanindigan din si Du­terte sa kanyang naunang pahayag na may utang na loob ang Pilipinas sa China, subalit hindi naman umano ito “excuse para isakripisyo ng Pilipinas ang territorial waters nito.

Sinabi pa ni Duterte na sa ngayon ay mas makakabuti na obserba-han muna ng mga otoridad ang anumang magiging kilos ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with