_ngayon
^

Bongbong Marcos, muling umapela sa PET

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa rin sumusu­ko si dating Senador Bongbong Marcos nang muling magsampa ng ‘motion for reconsideration’ sa Presidential Electoral Tribunal (PET) para mabaligtad ang pagbasura sa kaniyang ‘election protest’ laban kay Vice-President Leni Robredo.

Sa kaniyang mosyon, hiniling niya sa PET na binubuo ng mga Supreme Court justices, na ituloy ang presentasyon ng kanilang mga ebidensya para sa ‘third cause of action’ sa kanilang protesta.

Matatandaan nitong Pebrero 16, bumoto ang 15 mga mahistrado na panindigan ang pagkakapanalo ni Robredo noong 2016 Elections.

Kabilang sa ‘causes of action’ ni Marcos ay ang -- pagpapawalang-bisa sa proklamasyon ni Robredo; recount at revision ng mga balota sa 36,465 clustered precincts; at pagpapawalang-bisa sa election results para sa Bise-Presidente sa mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan dahil umano sa terorismo at pananakot.

Tinukoy ni Marcos bilang kaniyang pilot areas ang Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental para magsagawa ng recount.

Sa kaniyang bagong mosyon, hiniling ni Marcos sa PET na atasan ang Comelec na magsagawa ng ‘technical examination’ sa mga lagda ng mga botante sa mga ipinoprotesta niyang clustered precincts sa mga lalawigan sa Mindanao.

PET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with