GCQ posible na sa NCR Plus
MANILA, Philippines — Posibleng isailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t ayaw naman niyang pangunahan ang magiging pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil hindi pa sila nakakapagpulong sa classification ay may posibilidad na mapunta na sa GCQ ang NCR Plus.
Ito ay kung susundan ang formula sa pagtatakda ng quarantine classification at dahil bumaba na rin umano ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa at lumuluwag na rin ang mga ospital.
Siniguro naman ni Roque na bago mag-Mayo 15 ay mag-aanunsiyo ng bagong quarantine classification ang Pangulo.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman niya ang publiko na turismo at ang pag-swimming ay hindi pa rin pinapayagan sa ilalim ng modified enhance community quarantine.
Ang panawagan ay kasunod ng nag-viral na video sa social media na maraming nag-swimming sa resort na Gubat sa Ciudad sa Caloocan City.
- Latest