^

Bansa

Paglilikas ng mga Pinoy sa India ikinakasa na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paglilikas ng mga Pinoy sa India ikinakasa na
Inilagay ng Cavite Coast Guard sa closed security ang MV Athens vessel na galing sa India at nakadaong ngayon sa Cavite City bay, matapos na lahat ng 12 Pinoy crew nito ay magpositibo sa COVID-19, dalawa rito ay kritikal na kinailangang isugod sa ospital.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pinag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglilikas sa mga Filipino sa India na matinding tinamaan ng COVID-19 at libu-libo na ang namamatay.

Inihayag ito ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa pagdinig ng Senado sa tanong ni Sen. Imee Marcos kung paanong maire-repatriate ang mga Pinoy na nasa India matapos sabihin ni Ambassador to India Ramon Bagatsing na kailangan pang kumuha ng clearance ng mga Filipino bago makauwi dito.

Paliwanag niya, meeting to meeting basis muna ang pasya tungkol sa sitwasyon sa India habang patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., kay Bagatsing.

Sa ngayon may travel ban ang Pilipinas sa India hanggang Mayo 14 gayundin sa mga kalapit na bansa ng India tulad ng Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka.

Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagdinig na may mahigit 1,000 Filipino sa India.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with