_ngayon
^

Cha-cha pagbobotohan ng Kamara sa Hunyo

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang pagbobotohan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang economic charter change o Cha-cha  bago mag-sine die adjournment sa susunod na buwan.

Ang Kongreso ay nakatakdang magbalik-sesyon sa Mayo 17 kung saan inaasahang magpapatuloy ang mainitang talakayan sa economic Cha-cha o ang pag-aam­yenda sa probisyon nito para pumasok ang mga investments sa bansa.

Sinabi ni AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, na bago nagbakasyon ang Kamara noong huling bahagi ng Marso 2021 ay nasa pitong Kongresista na lamang ang nakalista para sumalang sa debate sa plenaryo.

Inihayag pa ni Garbin na madali nang matatapos ang debate sa isyu ng pag-aamyenda sa mahigpit  na probisyon sa ekonomiya sa ilalim ng 1987 Constitution.

Sa kalendaryo ng Kamara, ang sine die adjournment ay nakatakda sa Hun­yo 5 hanggang Hulyo 25, 2021 at sa pagbabalik ng Kongreso ay isasagawa ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

CHA-CHA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with