COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 1,106,826; patay higit 18,500 na
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,846 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Lunes, kung kaya nasa 1,106,826 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,106,826
- Nagpapagaling pa: 59,897, o 5.4% ng total infections
- Kagagaling lang: 8,193, dahilan para maging 1,030,367 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 90, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 18,562
Anong bago ngayong araw?
-
Hihigpitan ang lockdown sa Cagayan, Apayao at Benguet patungong modified enhanced community quarantine (MECQ) mula ngayong ika-10 hanggang ika-23 ng Mayo, ayon sa anunsyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
-
Plano ng DOH na maghain ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kumpanyang Sinopharm para sa kanilang COVID-19 vaccine, pagkukumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kanina. Ito ay matapos aprubahan ng World Health Organization (WHO) ang emergency use ng naturang bakuna.
-
Ipinag-uutos naman ngayon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang agarang 14-day quarantine para sa mga nag-swimming sa "Gubat sa Ciudad Resort" kamakailan sa Calocan City, kahit na MECQ pa rin sa naturang lungsod. "[L]ahat po sila, so that we can ensure na wala pong pagkakahawa-hawaan [ng COVID-19] na mangyayari," ayon sa DOH official.
-
Kaugnay ng nasabing isyu, naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) ng kaso laban sa may-ari ng nasabing resort. Titignan din daw nila kung posibleng mahabla pati ang baranggay at mga mismong lumangoy dahil sa paglabag sa quarantine protocols.
-
Ipinaalala naman ng Bureau of Immigration ngayong araw na maaaring mapatawan ng multa ang mga paliparang magpapahintulot sa pagpapapasok ng mga dayuhang covered ng COVID-19 travel ban sa Pilipinas. Kamakailan lang nang iutos ng IATF na harangan ang mga biyahero mula sa mga bansang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka hanggang ika-14 ng Mayo dahil sa mas nakahahawang B.1.617 variant.
-
Umabot na sa halos 157.3 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng WHO. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit-kumulang 3.3 milyong katao.
— James Relativo
- Latest