_ngayon
^
Magkaibang bakuna, ikinokonsidera ng DOH
Sinabi ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Science and Techno­logy at sa Vaccine Expert Panel para magsagawa ng pag-aaral ukol dito.
pna.gov.ph

Magkaibang bakuna, ikinokonsidera ng DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa sa pinag-aara­lan ng DOH ang maa­aring epekto ng magkaibang bakuna na na­ibigay sa una at ika­lawang dose.

Sinabi ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Science and Techno­logy at sa Vaccine Expert Panel para magsagawa ng pag-aaral ukol dito.

“Nakakita sila ng isang bansa na nag-aaral na nitong mixing and matching of vaccines and that would be in UK,” ayon kay Vergeire.

Handa naman uma­no ang DOH na maghintay ng resulta ng anumang pag-aaral ukol sa kumbinasyon ng mga bakuna hanggang sa magkaroon ng ebidensya na ligtas ito.

May inisyal nang pg-aaral ang VEP na nakatagpo ng ‘theoretical basis’. Ngunit dahil sa teorya pa lamang, kailangan pa rin ng dagdag na mga impormasyon at ebidensya.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with