_ngayon
^
Local execs binalaan sa mass gatherings
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang pagkabigo ng mga local officials na magpatupad ng health protocols ay maaa­ring magresulta sa admi­nistrative sanction o criminal charge dahil sa dereliction of duty sa ilalim ng Revised Penal Code.
The STAR/Edd Gumban

Local execs binalaan sa mass gatherings

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na mahaharap sila sa kasong kriminal at administratibo kung mabibigong mapigilan ang pagdaraos ng mass gatherings sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang pagkabigo ng mga local officials na magpatupad ng health protocols ay maaa­ring magresulta sa admi­nistrative sanction o criminal charge dahil sa dereliction of duty sa ilalim ng Revised Penal Code.

Sa guidelines ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (IATF), hanggang nitong Abril 15, ang anumang uri ng pagtitipon, sa loob o labas man ng tahanan ay mahigpit pa ring ipinagbabawal sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Qua­rantine (ECQ), Modified ECQ (MECQ), at General Community Quarantine (GCQ).

Pinapayagan umano ang mga pagtitipon na hanggang 50 percent ng seating o venue capacity para sa mga lugar na nasa Modified GCQ.

Ipinagbabawal ang religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, pero pinapayagan ito sa MECQ ngunit 10-30 percent ng seating capa­city lamang, depende sa local government regulations, habang mula 30 to 50% seating capacity ang pwede sa GCQ at 50% sa MGCQ areas.

Ang necrological services at mga burol para sa namatay nang hindi dahil sa COVID-19 ay pinapayagan ngunit limitado sa mga miyembro ng pamilya sa ECQ at MECQ habang 30 to 50 percent capacity sa GCQ at hanggang 50% capacity sa MGCQ.

Ang movie screenings, concerts, sporting events, entertainment activities, at work conferences ay mahigpit pa ring ipinagbabawal sa ECQ, MECQ, at GCQ ngunit pinapayagan ang 50 percent ng seating capa­city sa mga lugar na nasa ilalim na ng MGCQ, kung nakakatalima sa ventilation standards.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with