^

Bansa

COVID-19 cases sa labas ng Metro Manila tumaas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 cases sa labas ng Metro Manila tumaas
Para sa Metro Manila, patuloy ang panawagan ni Guido na unti-untiin ang pagpapababa ng ‘quarantine restrictions’ habang patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 maging sa mga karatig lalawigan na Rizal, Batangas, Bulacan at Cavite. Inaasahan ng grupo na mas mababa na sa 2,000 ang magiging arawang kas
The STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng alarma ang OCTA Research Group sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang lungsod sa Visayas at Mindanao.

Tinukoy ni OCTA member Prof. Guido David ang mga lungsod ng Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Zam­boanga City at Bacolod na may pagtaas ng kaso.

“Based on history, nakikita natin na itong smaller LGUs (local government units), mas mabilis nila nako-control ang situation. ‘Di pa naman necessarily alarming ito,” ayon kay David.

Para sa Metro Manila, patuloy ang panawagan ni Guido na unti-untiin ang pagpapababa ng ‘quarantine restrictions’ habang patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 maging sa mga karatig lalawigan na Rizal, Batangas, Bulacan at Cavite.

Inaasahan ng grupo na mas mababa na sa 2,000 ang magiging arawang kaso ng COVID-19 sa NCR makaraang bumaba na ito sa 2,100 mula sa pinakamataas na 5,500.

Sa kasalukuyan, nasa 0.67 ang reproduction rate ng virus at may weekly growth rate na -27% sa Metro Manila.

“Maganda, habang nagde-deploy tayo ng vaccines, i-maintain natin ang trend na mababa ang cases para di tayo magkaroon ng surge,” dagdag ni David.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with