_ngayon
^
Magparehistro para sa 2022 elections â Comelec
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi palalawigin ang voter registration period kahit suspendido ito sa mga lugar na nasa ilalim ng mahigpit na community quarantine status.
Philstar.com/AJ Bolando

Magparehistro para sa 2022 elections – Comelec

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magparehistro na, lalo’t 4 na buwan na lang bago ang deadline para rito.

Target ng komisyon na magkaroon ng 7 milyong bagong rehistradong botante pero nasa 2.8 milyon pa lang ang bilang ng mga nagpaparehistro mula Abril 30. Sa Setyembre 30 nakatakda ang deadline para sa voter registration.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi palalawigin ang voter registration period kahit suspendido ito sa mga lugar na nasa ilalim ng mahigpit na community quarantine status.

“Unfortunately, mukhang hindi na siya puwedeng i-extend because the day after the close of registration [is] filing of COC (certificates of candidacy), which means we have to start preparing for election day documents na,” ani Jimenez.

Gumagawa naman umano ng mga hakbang ang Comelec para palawakin ang pagkakataon ng publiko para magparehistro habang sinusunod ang health protocols laban sa COVID-19.

Kabilang dito ang ‘pre-online registration’ para mabilis na ang proseso pagtungo ng aplikante sa Comelec office.

COMELEC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with