_ngayon
^
17K bagong PNP recruits ipapalit sa mga corrupt na pulis
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, titiyakin niyang dadaan sa tamang recruitment process ang mga aplikante at hindi bibigyan timbang ang mga may “reseta” o may mga referral letter.
STAR/ File

17K bagong PNP recruits ipapalit sa mga corrupt na pulis

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na mag-recruit ng nasa 17,000 pulis na ipapalit sa mga tiwali at pasaway bilang bahagi ng kanyang isasagawang internal cleansing.

Ayon kay Eleazar, titiyakin niyang dadaan sa tamang recruitment process ang mga aplikante at hindi bibigyan timbang ang mga may “reseta” o may mga referral letter.

“Sa internal cleansing, magsisimula ito sa recruitment ng 17,000 na pulis for this year. Gusto natin tanggalin ang corruption, padrino system at palakasan,” ani Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na sa mga ‘reseta’ nagsisimula ang korapsiyon. Bagama’t hindi naman  ito ‘totally disapproved,”  nilinaw ng  bagong hepe ng  pambansang pulisya  na mas pagbabasehan ang galing, talino at kapasidad ng isang aplikante.

Aminado si Eleazar na nagkakaroon ng problema kung hindi kuwalipikado ang  narerecruit. Nasasamantala ng mga bagong pasok na pulis ang pagkakataon na hindi man lamang naisasaalang-alang ang  totoong tungkulin at responsibilidad.

Dagdag pa ni Eleazar, hindi siya manghihinayang na sibakin ang libu-libong pulis kung makakasama naman sa imahe ng  PNP.

Gayunman, nilinaw ni Eleazar na iba ang  sibak sa puwesto at sibak sa serbisyo. Ang mga sibak sa serbisyo ay kailangan ng due process.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with