_ngayon
^

PAGCOR: 2 kumpanya pa lang ang pinapayagan sa sabong online

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang kumpanya pa lang ang pinapayagan nila na magpalabas ng sabong online sa kabila ng paglipana ng mga iligal na e-sabong ngayon sa internet.

Sa isang radio interview, sinabi ni PAGCOR chairman Andrea Domingo, na tanging ang Lucky 8 Starquest ni Atong Ang at Belvedere Corp. naman ni Bong Pineda pa lang ang may lisensya para magpalabas ng sabong online.

Ayon kay Chairman Domingo, “limang kumpanya ang nag-apply ng license pero yung Lucky 8 at Belvedere pa lang ang nagbayad ng performance bond na 75 million pesos each.”

Napag-alaman na ang mga kumpanyang, “Encuentro”, “Magnus”, at “Oriental Capital Venture” ay hindi pa nagbabayad ng mga kaukulang fees at taxes kaya hindi pa pinapayagang magpalabas ng sabong sa kanilang website, ayon kay Domingo.

“Nakikipag-ugnayan na kami sa PNP na hulihin ang mga online sabong sites na wala pang mga lisensya,” ani Domingo.

Ilan umano sa mga illegal online sabong websites ay ang kingsportslive.com at ang sabonginternational.com.

“Ang e-sabong ang major source ng funds namin sa ngayon dahil nagsara nga ang mga casinos due to covid,” paliwanag ng PAGCOR chairman.

Napupunta sa social funds ng Pangulo na ibi­nibigay naman daw ni Pa­ngulong Duterte sa mga ospital at ayuda ngayong pandemya.

PAGCOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with