_ngayon
^
2 milyong AstraZeneca dumating na sa Pinas
Ang COVAX faci­lity ay ang international partnership na itinatag upang matiyak ang patas na distribusyon o pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa buong mundo.
AFP/Alain Jocard

2 milyong AstraZeneca dumating na sa Pinas

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumating na kahapon sa Pilpinas ang mahigit dalawang mil­yong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility ng World Health Organization.

Ang naturang shipment ay karagdagan sa kalahating milyong doses na unang idineliber noong Marso.

Bahagi rin ito ng 4.5 million na naipangako sa Pilipinas mula sa COVAX.

Ang COVAX faci­lity ay ang international partnership na itinatag upang matiyak ang patas na distribusyon o pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa buong mundo.

Ang naturang bakuna ay para sa mga nabakunahan ng first dose, ngunit hindi pa nabibigyan ng kanilang second dose, gayundin sa iba pang target populations.

Kung maaalala, sinuspinde ng DOH at Food and Drug Admi­nistration noong nakaraang buwan ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga edad 59-anyos pababa.

Kasunod ito ng mga naitalang insidente ng “blood clotting” at mababang platelet count sa ilang nabakunahan sa Europa at Estados Unidos.

Sa ngayon wala pa naman daw naitatalang kaso ng Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) o blood clots mula sa mga nabakunahan ng AstraZeneca dito sa bansa.

Batay sa datos ng DOH, may 70.4% efficacy rate ang AstraZeneca laban sa mga symptomatic COVID-19 cases. Umaakyat pa ito ng 100% sa mga may severe infection.

COVAX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with