_ngayon
^
8 lang sa naturukan ng Sputnik V ang nakaranas ng side effects
Ang handout na ito larawan na kuha noong Mayo 1, 2021 at natanggap mula sa Presidential Communications Operations Office ay nagpapakita ng mga manggagawa na nag-iisa muna ang unang batch ng Russian-ginawa Sputnik V coronavirus bakuna mula sa isang eroplano pagkarating sa international airport sa Maynila.
PCOO Handout via AFP

8 lang sa naturukan ng Sputnik V ang nakaranas ng side effects

(Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walo lang ang naitalang nakaranas ng adverse events following immunization ng Sputnik V COVID-19 vaccine matapos bakunahan, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga naiulat na side effects ng Russian-made vaccine ay pananakit ng katawan, pananakit ng parte ng katawan na tinurukan ng bakuna, rashes, pananakit ng likod, pananakit ng ulo, pagduduwal, at pagtaas ng blood pressure.

Nilinaw naman ni Vergeire na ang lahat ng nakaranas ng mga naturang side effects ay nasa maayos ng kondisyon at pawang nakauwi na rin sa kani-kanilang tahanan.

Wala rin naman silang natanggap na ulat na nagkaroon ng mishandling sa mga bakuna, na kailangang iimbak sa temperatura na hindi hihigit sa -18 degrees Celcius.

Matatandaang nasa 15,000 doses ng Sputnik V ang dumating sa bansa noong Mayo 1.

Ang mga ito ay hinati sa mga lungsod ng Manila, Makati, Taguig, Parañaque at Muntinlupa.

Inaasahan namang darating sa bansa ang natitira pang 480,000 doses ng naturang bakuna sa pagtatapos ng buwang ito.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with