_ngayon
^
Suplay ng oxygen at Remdesivir daragdagan
Ang mga manggagawa sa isang refilling kumpanya inaayos ang tangke ng oxygen sa Quezon City sa Huwebes, Mayo 6, 2021..
The STAR/Michael Varcas

Suplay ng oxygen at Remdesivir daragdagan

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit sapat pa ang suplay, pinaghahandaan na rin ng gobyerno ang pagbili ng karagdagang oxygen at Remdesivir na napatunayang nakakatulong sa mga pas­yenteng may COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang hakbang ay isang “contingency” sakaling tumaas ang demand para sa oxygen at Remdesivir.

Natuto na anya ang gobyerno sa mga dapat gawin sa nakalipas na isang taon na nilalabanan ang COVID-19.

Mas mabuti na aniya na sapat ang suplay lalo pa’t hindi pa naman tiyak kung kailan matatapos ang pandemya.“So nag-i-stockpile na rin tayo ng karagdagang mga napatunayan ng epek­tibong gamot gaya ng Remdesivir, dahil nga po kinakailangang paghandaan,” ani Roque.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with