_ngayon
^

SRP sa imported na baboy ilalabas sa susunod na linggo – DA

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa susunod na linggo inaasahang lalabas ang suggested retail price ng imported na baboy, ayon sa Department of Agriculture.

Sinabi ni DA Sec. William Dar, susumahin nila ang presyo nang naaayon sa napagkasunduang taripa kasama ang mga Senador ngayong linggo.

Makikipag-tulungan aniya sila sa Department of Trade and Industry tungkol dito.

Nagsimulang magpasok ng imported na baboy ang bansa sa harap ng pagdami ng kaso ng ASF na nakaapekto sa suplay ng mga local hog raiser.

Samantala, sinabi naman ni Dar na may bubuhos na suplay ng imported na isda, gulay at bigas ngayong tag-init, at sapat pa ang suplay ng mga ito sa ngayon.

WILLIAM DAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with