^

Bansa

Bong Go sa PNP: ‘Wag puro tapang, malasakit ipakita rin sa protocol violators

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police na arestuhin ang mga pasaway o hindi nagsusuot ng face mask, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na mamigay din ang pamahalaan ng libreng mask sa mga huhulihin bilang pagpapakita ng tunay na malasakit habang nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.

“Bilang chair ng Senate Committee on Health, sang-ayon ako na kailangang mas higpitan ang pagpapatupad ng mga protocols para maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit,” ani Go.

Sinabi ni Go na bukod sa tapang upang madi­siplina ang ayaw talaga sumunod, kailangan din ng malasakit para sa mga kababayan nating hindi makasunod dahil sa kahirapan ng buhay at kakulangan ng tamang impormasyon.

Ayon sa senador, ang PNP at Department of Trade and Industry, kasama ang kanyang tanggapan ay nagkasundong magkaloob ng libreng mask sa mga mahuhuling lalabag sa health protocol.

Ipinaalala ni Go sa mga awtoridad na kailangan ang pagdidisiplina habang pinakikitaan ng malasakit ang mahihirap at vulnerable sectors para makasunod sila sa guidelines laban sa COVID-19.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with