_ngayon
^

CHED kinilala si Salceda bilang ‘Father of Free College Tuition Law’

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinarangalan ng Commission on Higher Education (CHED) si Albay Rep. Joey Sarte Salceda ng ‘Father of Free Tuition in College award’ bilang natatanging pagkilala sa pagkakalikha niya sa batas na Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE), na nagbibigay ng libreng tuition sa mga estudyante sa kolehiyo.

Ayon kay Salceda ang parangal ni CHED chairman Prospero ‘Popoy’ de Vera at Commissioner Aldrin Darilag, kasama si Atty. Ryan Estevez, executive director ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education’ sa katatapos na Gawad Parangal ng CHED para sa mga ‘Local Universities and Colleges (LUCs)’ sa Bikol na ginanap sa Legazpi City kamakailan.

Inakda ni Salceda ang UAQTE at nilagdaan ito ni Pangulong Duterte bilang RA 10931 noong 2017. Sa ilalim nito libre ang matrikula ng estudyante sa mga ‘state universities and colleges’ (SUC) at LUC ng mga pamahalaang lokal, at sa mga kursong ‘technical-vocational’ ng TESDA at mga kabalikat nitong sanayan o institusyon.

Tuwiran din ang mga benepisyo nito sa mga pamilyang ang mga anak ay maaaring hindi makapasok sa mga SUC at LUC, sa pamamagitan ng ayudang pautang na tuwisyon para makapasok sa mga pribadong paaralan. Babayaran lamang ang naturang pautang kapag nakatapos na sila sa pag-aaral, nakapagtrabaho, at umabot na sa ‘minimum annual gross income’ o “compulsory repayment threshold” ang kanilang taunang kita.

CHED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with