_ngayon
^
Duterte atras na sa debate, Roque ipapalit
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na handang-handa na sana ang Pangulo sa pakikipag-debate pero pinayuhan siya ng mga miyembro ng gabinete sa pangunguna ni Exe­cutive Sec. Salvador Medialdea at miyembro ng Senado na sina Senate Pres. Tito Sotto III at Sen. Koko Pimentel na walang idudulot na mabuti ang debate sa sambayanang Pilipino kaya mas mabuting huwag na lamang ituloy.
The STAR/Joven Cagande

Duterte atras na sa debate, Roque ipapalit

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na matutuloy ang inaabangang debate sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at sa halip ay ilalaban na lamang si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque na handang-handa na sana ang Pangulo sa pakikipag-debate pero pinayuhan siya ng mga miyembro ng gabinete sa pangunguna ni Exe­cutive Sec. Salvador Medialdea at miyembro ng Senado na sina Senate Pres. Tito Sotto III at Sen. Koko Pimentel na walang idudulot na mabuti ang debate sa sambayanang Pilipino kaya mas mabuting huwag na lamang ituloy.

Si Pangulong Du­terte rin umano ay nakaupong pangulo ng bansa habang si Atty. Carpio ay retirado ng mahistrado kaya maituturing na itong ordinaryong mamamayan.

Mahirap din aniyang humarap mismo ang Pangulo dahil lahat ng sasabihin nito ay makakaapekto sa polisiya ng gobyerno.

Pero tuloy pa rin naman daw ang debate dahil itinalaga ni Pangulong Duterte si Sec. Roque na siyang makikipag-debate kay Justice Carpio.

Idinagdag ni Roque na payag din siya kahit magsanib-puwersa pa sina Carpio at Ex-DFA Sec. Albert Del Rosario laban sa kaniya.

Kung matutuloy, partikular na pagdedebatehan nila ang isyu tungkol sa West Philippine Sea.

Nagprisinta naman ang Philippine Bar Association (PBA) na mamamagitan sakaling matuloy ito.

Nagbigay ng mensahe si Roque sa PBA na sabihan lang siya kung kailan at saan ang debate at sisipot siya.

Balak sanang itanong ni Duterte kay Carpio kung sino ang nag-utos sa mga barko ng Pilipinas na umatras sa WPS noong panahon ni da­ting pangulong Benigno Aquino III.

Related video:

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with