_ngayon
^
Edad 15-17 at 65 pataas pinayagang lumabas
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumayag ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emer­ging Infectious Diseases na makalabas ang mga edad 15-17 at 65 pataas para sa isinasagawang rehistrasyon ng national ID.
The STAR/Edd Gumban, File

Edad 15-17 at 65 pataas pinayagang lumabas

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayagan ng gobyerno na makalabas ang mga edad 15 hanggang 17 at 65 taong gulang pataas upang makapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumayag ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emer­ging Infectious Diseases na makalabas ang mga edad 15-17 at 65 pataas para sa isinasagawang rehistrasyon ng national ID.

Bagaman at maaaring magparehistro sa online, ang susunod na step ay ang personal na pagpunta sa isang registration center para sa pagbibigay ng biometric information at pagpapakuha ng larawan.

Nauna rito hindi pinapayagang lumabas sa mga lugar na sakop ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang mga edad 18 pababa at 65 pataas maliban na lamang kung bibili ng mga pangunahing pangangaila­ngan o magtatrabaho.

PHILSYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with