_ngayon
^
COVID-19 test sa mga biyahero sa ika-7 araw, aprub ng IATF
Layunin ng bagong proseso na matiyak na na-isolate na mabuti ang mga biyaherong dumadating sa bansa upang maputol na ang hawahan ng virus, paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
pna.gov.ph

COVID-19 test sa mga biyahero sa ika-7 araw, aprub ng IATF

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 response (IATF) ang revised protocol para sa mga biyahero na maisailalim sa COVID-19 test pitong araw makaraang dumating sila sa bansa base na rin sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).

Layunin ng bagong proseso na matiyak na na-isolate na mabuti ang mga biyaherong dumadating sa bansa upang maputol na ang hawahan ng virus, paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Dati ay isinasailalim sa pagsusuri ang mga biyaherong Pinoy at mga dayuhan, lima o anim na araw lamang matapos silang dumating sa Pilipinas.

Nagpasya naman ang DOH na irekomenda ang pagbago sa testing policy at gawin itong isang linggo, matapos na matuklasan ng mga eksperto na ang ‘viral load’ ng isang pasyente ay mataas pa rin sa ikapito o ikawalong araw nito.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Vergeire na hindi nila nire-require ang COVID-19 testing para sa mga Pinoy na palabas ng bansa at sa halip ay depende aniya ito sa ahensiya sa bansang destinasyon o patutunguhan nito.

Hanggang nitong Mayo 3, may 155 biyahero na dumating sa bansa noong Abril ang naisailalim na sa pagsusuri ng pamahalaan.

Sa mga naturang pasahero, apat na Pinoy at isang Indian national ang nagpositibo sa COVID-19.  Nagmula umano ang mga pasyente sa United Arab Emirates, Qatar at Singapore.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with