_ngayon
^
Paggamit ng AstraZeneca inumpisahan uli
Ang paggamit ng AstraZeneca ay rekomendado ng FDA at ng DOH All Experts Group on Vaccines makaraan na unang suspendihin ang paggamit sa mga indibidwal na may edad 60-pababa dahil sa napakadalang na kaso ng Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) o blood clotting.
STAR/ File

Paggamit ng AstraZeneca inumpisahan uli

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling inumpisahan ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng AstraZeneca vaccine makaraang tiyakin ng Food and Drugs Adminis­tration (FDA) na ligtas ito laban sa sinasabing ‘blood clot’ na side effect umano ng bakuna.

Ang paggamit ng AstraZeneca ay rekomendado ng FDA at ng DOH All Experts Group on Vaccines makaraan na unang suspendihin ang paggamit sa mga indibidwal na may edad 60-pababa dahil sa napakadalang na kaso ng Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) o blood clotting.

“Based on current evidence, VITT is a very rare condition of blood clots associated with low platelet counts that can occur 4 to 28 days after receiving a viral vector vaccine such as AstraZeneca,” ayon sa DOH.

Sa kasalukuyan, wala pa namang naitata­lang lokal na kaso ng VIIT sa bansa base sa kumpirmasyon ng National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) at ng FDA.

Sa kabila nito, magpapatupad pa rin ang pamahalaan ng mga regu­lasyon para maiwasan ang maaaring panganib sa naturang bakuna.

Sinabi ng DOH na napapanahon ang muling pagpayag sa paggamit ng AstraZeneca dahil sa dalawang milyong doses nito na nakatakdang dumating sa bansa ngayong buwan.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with