_ngayon
^

Milyon pang doses ng Sinovac, AstraZeneca, parating - Bong Go

(Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Senate Committee on Health and Demography chairman, Senator Christopher “Bong” Go ang inaasahang pagdating sa bansa ng marami pang doses ng CO­VID-19 vaccines ngayong buwan na titiyak upang marami pang Filipino ang mabakunahan, partikular ang frontliners at vulnerable sectors.

Ayon kay Go, kahapon ay dumating ang 1.5 million doses ng Sinovac vaccines at 2 million doses ng AstraZeneca vaccines nga­yong Sabado.

Sinabi ni Go na ito ay welcome development lalo’t isineselebra ng bansa ang Health Workers’ Day bilang pagkilala sa mahalagang papel ng modern day heroes at sa kanilang kontribusyon sa global health crisis.

Tiniyak ni Go na sa delivery ng karagdagang doses ng AstraZeneca vaccines ay mabibigyan na ng second dose, partikular ang medical frontliners na nangangailangan ng full protection ng nasabing bakuna.

Sinabi niya na kung madadagdagan ang daily vaccination rate mula sa kasalukuyang 133,000 daily rate, mas maraming mga Pilipino ang mababakunahan at mas mabilis nating maa-attain ang herd immunity sa community.

CHRISTOPHER BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with