_ngayon
^
Patay sa COVID-19 sa Pilipinas humigit na sa 18,000
Food buyers observe public health protocols by wearing face mask inside Marikina Public Market on Thursday, May 6, 2021.
The STAR/Michael Varcas

Patay sa COVID-19 sa Pilipinas humigit na sa 18,000

(Philstar.com) - May 7, 2021 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 7,733 bagong infections ng coronavirus disease, Biyernes, kung kaya nasa 1,087,885 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,087,885
  • Nagpapagaling pa: 66,626, o 6.1% ng total infections
  • Kagagaling lang: 4,227, dahilan para maging 1,003,160 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 108, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 18,099

Anong bago ngayong araw?

  • Itutuloy na uli ng DOH ang pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccine para sa lahat ng age groups na saklaw ng vaccination program ng gobyerno (18 pataas). Matatandaang pansamantalang sinuspindi ang pagtuturok nila para sa mga wala pang 60-anyos dahil sa mga rare cases ng "blood clotting" dahil sa Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia.

  • Nasa 12 tripulanteng Pilipino naman lulan ng barkong barkong MV Athens Bridge ang nagpositibo sa COVID-19 matapos magawi sa bansang India. Kahit may travel ban ang Pilipinas sa lahat ng biyahero mula sa South Asian country dahil sa "mas nakahahawang" B.1.617 COVID-19 variant, sinaklolohan sila ng gobyerno at iniuwi sa Pilipinas. Dalawa sa kanila ang kritikal.

  • Ipinatatawag ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng summons ang "importer under investigation" na nag-misdeclare ng nasa 20,000 unregistered ivermectin tablets na ginagamit ngayon ng ilan laban o pangontra sa COVID-19. Kinilala ang kumpanya bilang Finstad Inc., na sasailalim sa preliminary hearing sa susunod na linggo.

  • Inaprubahan naman na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyong iusog sa ika-pitong araw ng quarantine ang swab tests ng mga inbound travelers. Bukod diyan, hindi na rin daw kinakailangang i-test para sa COVID-19 ang mga pashero sa kanilang arrival.

  • Hindi naman ioobliga ng Philippine Basketball Association ang kanilang mga manlalaro't kawani na magpabakuna laban swa COVID-19. Ito ang sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial habang kinokontrata nila ang mga local government units na i-host ang kanilang "bubble training" ngayong nananatiling suspendido ang 46th season ng liga dahil sa pandemya.

  • Umabot na sa 154.81 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit 3.23 milyong katao.

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

COVID-19 TALLY PHILIPPINES COVID-19 VACCINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with