^

Bansa

Pasaway sa face mask ikulong! - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pasaway sa face mask ikulong! - Duterte
Tinitingnan ng mga pulis opisyal ang pagsunod ng mga motorists sa mga protocol sa kalusugan habang ipinapasa nila ang hangganan ng San Mateo, Rizal at Marikina City noong Huwebes, Mayo 6, 2021. Inutusan ni Pangulong Duterte ang pagdakip ng mga lumalabag na hindi nakasuot ng facemask nang wasto.
The STAR/ Boy Santos

MANILA, Philippines — “Arestuhin at ikulong ang mga lumalabag sa pagsusuot ng face mask.”

Ito ang mahigpit na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP bunsod ng tila patuloy na pagbalewala ng mga tao sa tamang pagsusuot ng face mask lalo na kung nasa labas ng bahay.

Sa kanyang national address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Duterte na may mga nagsusuot ng face mask upang sumunod lamang pero nakalabas naman ang ilong.

“Now itong mask, iyong iba ano lang for compliance lang. Naglalagay ng mask pero nakalabas ‘yong ilong,” ani Duterte.

Sabi ng Pangulo, na may siyam na oras para ikulong at imbestigahan ang mga hindi sumusunod kung bakit nila ginagawa ang hindi pagsusuot ng tamang face mask.

“My orders to the police are those who are not wearing their masks pro­perly in order to protect the public --- kasi kung hindi, hindi mo madepensahan ‘yong publiko --- to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na kung hindi ito gagawin ay walang mangyayari sa laban sa COVID-19. Hindi na anya kaya ng gobyerno ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Hindi naman aniya ito para sa gobyerno at sa halip ay para mismo sa mga tao para hindi makahawa.

“Many have died. Many are in hospitals. Experts said the number of infections has gone down. But the hospitals are still full. So, if you really have brains, if you are a thinking human person… That’s not for me. That’s not for us in government. It’s in the interest of the country that you don’t infect others and that you don’t get infected,” wika ng Pangulo.

Dagdag pa ng Pangulo na nauubos ang pera ng gobyerno samantalang may mga taong labas nang labas at hindi tama ang pagsusuot ng facemask.

“Eh pagka ganoon, tapos ako dito hirap na hirap, papawala na ‘yong pera natin sa bangko, tapos sige pa rin kayo galaw nang galaw diyan na hindi tama, eh mapupunta talaga kayo sa istasyon. Anybody in public wearing a mask not in the regular --- regulation mask na ilong pati bunganga ang sirahan mo diyan,” ani Duterte.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with