^

Bansa

Unemployed Pinoys bumaba sa 3.44 milyong noong Marso

Pilipino Star Ngayon
Unemployed Pinoys bumaba sa 3.44 milyong noong Marso

MANILA, Philippines — Nabawasan ng 700,000 ang bilang ng mga walang trabahong Filipino noong nakaraang buwan ng Marso, base sa huling Labor Force Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 3.44 milyon o 7.1 porsiyento ang mga walang trabaho noong Marso kumpara sa 8.8 porsiyento o 4.2 milyon noong Pebrero at 8.7 percent noong Enero.

Ito na ang pinakamababang unemployment rate sa bansa simula noong Marso 2020, nang ang bilang ng mga walang trabaho (edad 15 pataas) ay humataw sa 17.7 porsiyento.

Patuloy din ang pagtaas sa labor market ngayong taon kasunod ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Dahil sa tumataas na labor force participation at pagbaba ng unemployment rate sa Pilipinas ay nagbigay daan ito sa milyun-milyong Pilipino na makabalik sa trabaho at kumita.

Mula naman sa 18.2 percent underemployment rate noong Pebrero 2021 ay naitala na ito ngayon sa 16.2 percent na sumasalamin sa gumagandang kalidad ng mga trabaho sa bansa.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with