_ngayon
^

Early registration hanggang Mayo 31 – DepEd

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Department of Education (DepEd) ang early registration para sa School Year 2021-2022 hanggang sa katapusan ng Mayo.

Unang itinakda ng DepEd ang early registration sa buong buwan ng Abril lamang, ngunit nagpasya ang ahensiya na palawigin pa ito upang mas marami pang estudyante ang makalahok dito.

“We will continue to accept early registrants until the end of May to give you more time to register,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning, and Human Resource and Organizational Development Jesus Mateo.

Batay sa monitoring report ng DepEd, hanggang nitong Mayo 6, may kabuuang 4,315,046 mag-aaral na ang maagang nagpa-enroll.

Kabilang dito ang 933,073 estudyante sa kindergarten; 1,502,900 sa Grade 1; 1,069,856 sa Grade 7; at 809,217 sa Grade 11.

Ang CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) naman ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng rehistradong mag-aaral na nasa 437,561; kasunod ang Central Visayas (395,830) at Western Visayas (365,361).

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with