_ngayon
^

Rep. Tan umapela sa DOH: Bakuna sa Quezon dagdagan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humingi na ng ayudang bakuna si Dr. Angelina “Helen” Tan, kinatawan ng fourth district ng Quezon province kay Health Secretary Francisco Duque III para mabilis na mabakunahan at protektahan ang 2.1 milyong residente ng lalawigan laban sa mapamuksang Covid-19 infection.

Binigyang diin ni Doktora Tan ang kahalagahan na mabakunahan agad-agad ang kanyang mga ka-lalawigan para tuluyang malabanan at mapuksa ang tumataas na bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa kanyang lalawigan.

“Sa kasamaang palad, mabagal ang pagbabakuna sa aming lalawigan. Kaya naman nananawagan nako sa Department of Health na tulungan naman ang aking mga kalalawigan na mabakunahan at madagdagan ang supply ng bakuna para maprotektahan na laban sa sakit ang mga taga-Quezon,” ani Tan.

Binigyan ng alokasyon ng Sinovac at AstraZe­neca ang probinsya ngunit ayon sa datos, wala pang alokasyon ng Sputnik V vaccines mula sa Russian Gamaleyan Institute.

Tumaas aniya ang bilang ng may sakit sa pagdagsa ng bilang ng mga may infection mula sa mga kanugnog na lalawigan tulad ng Rizal, Batangas at Laguna.

Sa datos ng DOH, mayroong 791 bagong kaso ng COVID-19 infections sa Quezon sa nakaraang 14 araw.

ANGELINA “HELEN” TAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with