^

Bansa

Travel ban sa Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka inutos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Travel ban sa Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka inutos
Sa memorandum na ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, lahat ng mga pasahero mula sa mga nabanggit na bansa sa nakaraang 14 na araw ay hindi papasukin epektibo sa Mayo 7 2021, hanggang Mayo 14, 2021.
AFP/Niklas Halle'm

MANILA, Philippines — Hindi muna papayagang makapasok sa bansa ang mga pasahero mula sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka upang mapigilan na makapasok sa bansa ang variant ng COVID-19 na mula sa India.

Sa memorandum na ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, lahat ng mga pasahero mula sa mga nabanggit na bansa sa nakaraang 14 na araw ay hindi papasukin epektibo sa Mayo 7 2021, hanggang Mayo 14, 2021.

Lahat naman ng mga pasahero na nanggaling sa Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh sa nakaraang 14 na araw na darating sa bansa bago mag ala-una ng madaling araw ng Mayo 7, 2021, Manila time, ay papayagang makapasok pero kailangang sumailalim sa 14 na araw na facility-based quarantine kahit pa nagnegatibo sa RT-PCR test.

Hindi naman kailangang sumailalim sa istriktong 14 na araw na quarantine  ang mga Filipino at foreigners na dumaan lang sa mga nabanggit na bansa at nanatili lang sa mga paliparan pero kailangan nilang sumunod sa ipinatutupad na testing at quarantine protocols ng national government.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with