^

Bansa

Sputnik V, walang naitalang ‘adverse effect’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa unang araw ng pagtuturok

MANILA, Philippines — Nanatiling ligtas ang paggamit ng Sputnik V COVID-19 vaccine makaraang walang naitalang ‘adverse effect’ sa unang araw ng pagtuturok nito sa mga healthcare workers sa limang lungsod, ayon sa Department of Health (DOH).

“Wala kaming naita-lang serious side effect, kasi kung may serious side effect, nai-report agad ‘yan,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang public briefing.

Matatandaan na 15,000 doses ng Sputnik V vaccine ang dumating sa bansa at hinati-hati sa limang lungsod para ma-ging trial batch.

Nasa 2,634 doses ang naiturok sa mga healthcare workers nitong nakaraang Martes. Nasa 2,100 ang nagpabakuna sa Parañaque City, 309 sa Makati City at 165 sa Maynila.

Nag-umpisa naman kahapon ng Miyerkules ang vaccination ng mga lungsod ng Taguig at Muntinlupa.

“Ang ini-expect nating side effect, gaya rin ng nararamdaman natin sa iba-ibang bakuna, hindi lang ng COVID, pati iyong ibang bakuna,” paliwanag ni Cabotaje.

Kabilang dito ang inaasahang lagnat, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan.

Nakatakdang iturok ang ikalawang dose ng Sputnik V makaraan ang 21 araw. Inaasahan na matatapos ang distribusyon ng naturang trial batch sa ikatlo o ikaapat na linggo ngayong Mayo.

vuukle comment

SPUTNIK V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with