_ngayon
^

1.5 milyon pang Sinovac darating bukas

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 1.5 milyong karagdagang Sinovac COVID-19 vaccine na ti­natawag na CoronaVac ang darating bukas, ayon sa ambassador ng Pilipinas sa China.

Ipinakita ni Ambassador Chito Sta. Romana sa kanyang Facebook account ang ilang larawan habang nagsasagawa ng inspeksiyon ang team ng Philippine embassy sa mga kahon ng bakuna sa warehouse ng Sinovac sa Daxing, Beijing.

“A big shipment of Sinovac vaccines (1.5 million doses) will be delivered to the Philippines on Friday, May 7, 2021. A team from the Philippine Embassy in Beijing composed of First Secretary Winston Almeda, Dada Aromin & Elizabeth Del Mundo inspected the boxes of Covid-19 vaccines at the company’s warehouse in Daxing, Beijing on May 4,” ani Sta. Romana.

Nauna rito, sinabi ng ambassador ng China sa Pilipinas na si Huang Xilian na 2 milyong doses ng Sinovac vaccines ang darating sa bansa nga-yong buwan.

Ang CoronaVac ay   unang ibinigay sa mga health workers at mga senior citizens.

SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with