_ngayon
^
HPAAC: Pamumudmod ng ivermectin sa labas ng pinayagang ospital iligal, itigil
Rep. Mike Defensor (Anakalusugan party-list) and Deputy Speaker Rodante Marcoleta lead the distribution of anti-parasite drug ivermectin at the Matandang balara’s barangay hall in Quezon City on April 29, 2021.
The STAR/Boy Santos

HPAAC: Pamumudmod ng ivermectin sa labas ng pinayagang ospital iligal, itigil

James Relativo (Philstar.com) - May 5, 2021 - 6:13pm

MANILA, Philippines — Tumindig ang malawak na alyansa ng mga manggagawang pangkalusugan tungkol sa malawakang "maling" paggamit ng unregistered ivermectin, bagay na inirereseta ngayon ng ilang doktor laban sa COVID-19.

Ayon sa Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), hindi dapat bara-bara ang pamimigay ng ivermectin kahit may compassionate special permit na ito galing sa Food and Drug Administration (FDA).

"Hindi kasama sa pahintulot na ito ang pamumudmod ng ivermectin sa labas ng mga napiling ospital," ayon sa nagkakaisang pahayag ng HPAAC, Miyerkules.

"Kung makikitang nagkasala, tinatawagan din namin ang Professional Regulation Commission (PRC) na imbestigahan at panagutin ang sinuman na lumabag sa batas."

NAGKAKAISANG PAHAYAG TUNGKOL SA IVERMECTIN
May 5, 2021

Nitong nakaraang mga linggo, matinding itinulak ng ilang doktor, mambabatas, at iba pang mga sektor ang paggamit sa gamot na ivermectin laban sa COVID-19 (off label use). 1/x pic.twitter.com/lsSaLu82Ql

— HPAAC (@HPAAC_PH) May 5, 2021

Paglabag sa Republic Act 9711 ang pamamahagi, pagbebenta, atbp. ng mga gamot na walang certificate product registration. Pwede lang ito kung merong special permit galing sa FDA. May parusa itong aabot ng hanggang 10 taong kulong at hanggang P5 milyong multa.

Ngayong araw lang nang umabot sa anim ang ospital na ginagawan ng special permit ng FDA, dahilan para pahintulutan silang magreseta at bigay ng ivermectin sa pasyente kahit na wala pa itong rehistro sa gobyerno.

Ivermectin pantry

Ika-29 lang nang mamahagi ng ivermectin sina Deputy Speaker Rodante Marcoleta (Sagip party-list) at Rep. Michael Defensor (Anakalusugan party-list) ng ivermectin sa Lungsod ng Quezon sa mahigit 200 residente, kahit kulang-kulang ang mga detalye nito sa reseta. Pinapipirma rin sila ng "waiver" para mawalan ng pananagutan kung may mangyaring masama.

Wala sa ospital ang nasabing pamimigay ng ivermectin.

"Dahil sa kadahilanang ito, kami ay sumasang-ayon sa mga naunang pahayag ng aming mga kasamahan sa HPAAC, ang Philippine College of Physicians (PCP) at Philippine Medical Association (PMA)," dagdag pa ng HPAAC.

Sinusuportahan namin ang paninindigan ng Philippine Pharmacists Association (PPha) na ang malawakang pamimigay ng ivermectin sa public ay maaaring labag sa Pharmacy Act at dapat imbestigahan agad ng Department of Health at FDA. 

Una nang sinabi ng PPha president Gilda Saljay na "violative prescription" ang ibinigay noon ng mga doktor na kasama nina Marcoleta at Defensor. Wala raw kasing panghahawakan ang mga pasyente kung sakaling may madisgrasya sa kanila.

Sinabi naman ni PMA spokesperson Oscar Tinio na pwedeng suspendihin o ibasura ang mga lisensya ng doktor na may kinalaman sa nasabing ivermectin pantry.

#Agenda | Philippine Medical Association Spokesperson Dr. Oscar Tinio warns doctors involved in distributing ivermectin to treat COVID-19 could have their licenses suspended or even revoked.

WATCH: https://t.co/mN5ef8Hsos pic.twitter.com/WC1tDDFr35

— ONE News PH (@onenewsph) May 4, 2021

'Pruwebang epektibo vs COVID-19? Wala pa'

"Huwag muna nating tangkilikin ang ivermectin upang makaiwas sa karagdagang perwisyo sa kalusugan. Paalala din namin na walang katiyakan kung peke o mabisa ang kumakalat na ivermectin sa ngayon dahil sa mga paglabag nito sa mga FDA regulatory processes," patuloy ng HPAAC.

Una nang sinabi ng gobyerno na sa dami ng clinical trials na isinagawa sa ibang bansa kaugnay ng ivermectin, wala pa rito ang nagsasabing epektibo ito bilang pananggalang laban sa COVID-19.

Hindi pa rin nagsisimula sa Pilipinas ang clinical trials kaugnay nito, na una nang iniuutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinatawag din ngayong "low quality evidence" ang mga basehan sa paggamit ng gamot laban sa COVID-19 ayon sa pag-aaral ng Living Clinical Practice Guidelines na pinangunahan ng Philippine Society for Mirobiology and Infectius Disease.

Una na ring sinabi ng Merck, ang kupanyang lumikha ng ivermectin, na "walang scientific basis" ang paggamit nito laban sa nakamamatay na virus.

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION IVERMECTIN NOVEL CORONAVIRUS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with