^
6 Pinoy galing India COVID-19 positive nang i-quarantine dahil sa 'new variant' scare
Medical frontliners in personal protective equipment attend to patients staying at the lobby-turned-extension for the emergency room of the Amang Rodriguez Memorial Medical Center in Marikina City on April 29, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

6 Pinoy galing India COVID-19 positive nang i-quarantine dahil sa 'new variant' scare

(Philstar.com) - May 5, 2021 - 12:57pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang ilang kataong inooberbahan nila kaugnay ng kinatatakutang bagong variant ng sakit.

Ang balita ay inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ilang araw matapos ibalitang inoobserbahan ang ilang Pinoy para sa "mas nakahahawang" B.1.617 variant na unang nadiskubre sa India — lugar kung saan naitatala ang highest daily cases sa daigdig.

"As to these Indian travelers that were quarantined upon arrival here, before the restrictions were imposed, 110 po sa kanila ay nagkaroon na ng pagsusuri... anim turned out to be positive and it is now submitted to the Philippine Genome Center for whole genome sequencing," ani Vergeire, Miyerkules.

"Meron pong anim na hanggang ngayon ay nilo-locate pa natin out of all these 117."

Una nang sinabi ng DOH official na kasama sa mga naunang na-quarantine ay yaong mga direktang nanggaling sa India, nagkaroon "touchpoint" sa India o nadaan sa India nitong mga nakaraan.

India lang ang bansang pinapatawan ng travel ban ng Pilipinas para sa mga biyaherong galing doon dahil na rin sa historic case surges ng South Asian country. Magtatapos ito sa ika-14 ng Mayo. Gayunpaman, lifted na ang restrictions sa pagpasok ng sinuman galing sa ibang bansa.

Sa tindi ng COVID-19 cases sa India, umabot na sa 3,460 ang bagong naitalang patay nitong Martes lang — bagay na nagtala ng pinakamataas na single-day recorded fatalities sa limang major states doon, ayon sa The Times of India ngayong araw.

India pa rin ang may ikalawang pinakamaraming COVID-19 cases sa buong mundo sa bilang na halos 20.3 milyon, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO).

Bago ito, una nang nakapasok ang mas nakahahawang "variants of concern" na B.1.351, B.1.1.7 at P.1. Ang ilan diyan ay sinasabing nakakapagpababa rin ng bisa ng COVID-19 vaccines.

"That's the hope: That we can prevent the entry of specific variants into the country... Kailangan lang natin talagang paigtingin ang border control na kahit na makapasok man ang mga variants na ito, dapat handa tayo,"

"Kailangan lang dapat paalalahanan ang ating mga kababayan na kahit ano pa hong variant ang mero... kailangan lagi ho tayong protektado. So continue  on doing the minimum public health standards."

DEPARTMENT OF HEALTH INDIA NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with