^
Moderna COVID-19 vaccine awtorisado na para maiturok sa Pilipinas
Inihahanda ng nurse na ito ang isang dose ng Moderna COVID-19 vaccine bago ito ibigay sa isang community housing complex sa Toronto, Ontario, Canada, ika-26 ng Marso, 2021
AFP/Cole Burston

Moderna COVID-19 vaccine awtorisado na para maiturok sa Pilipinas

James Relativo (Philstar.com) - May 5, 2021 - 10:45am

MANILA, Philippines — Maaari nang iturok ang bakuna laban coronavirus disease (COVID-19) ng kumpanyang Moderna sa bansang Pilipinas, anunsyo ng Food and Drug Administration (FDA), Miyerkules.

Ginawaran na kasi ito ng emergency use authorization (EUA), ayon kay FDA director general Eric Domingo sa Kapihan sa Manila Bay forum ngayong araw.

Gaya ng karamihan ng COVID-19 vaccines, sinabi ng FDA na ibibigay lang ito sa mga taong edad 18 taong gulang pataas. Sinasabing meron itong 94% efficacy rate ayon sa preliminary phase three trial data na iniulat ng kumpanya.

Ang nasabing EUA ay ibinigay kaagad siyam na araw lang matapos itong i-apply ng local distributor na Zuellig Pharma sa panayahaan.

Papayagan lang ang Moderna gamitin laban sa COVID-19 habang patuloy na epektibo ang "public health emergency" na ibinaba sa Pilipinas. Labas diyan, kailangan na nitong pormal na magparehistro sa pamamagitan ng isang certificate of product registration.

Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nasa nasa 194,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang darating mula Estados Unidos, bagay na nakatakdang lumapag sa Pilipinas ngayong Hunyo 2021.

Kagaya ng marami pang COVID-19 vaccines maliban sa Johnson & Johnson (na isang dose lang kailangan), dalawang doses ang kinakailangang iturok sa tao bago nito maibigay ang maximum na proteksyon laban sa nakamamatay na virus.

Sa kasalukuyan, tanging Sinovac at AstraZeneca vaccines pa lang ang ibinibigay sa Pilipinas. Plano ng gobyernong mabigyan ng gamot ang nasa 50-70 milyong Pinoy para maabot ang "herd immunity" mula laban sa sakit.

Sa huling ulat ng Department of Health, umabot na sa 1,067,892 na ang tinatamaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, patay na ang 17,622.

COVID-19 VACCINES MODERNA NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with