^
Tulong ng China sa Pinas ibinida ng Malacañang
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maraming proyekto na ang nagawa bunga nang pagkakaibigan ng Pilipinas at China.
Presidential Photo/Yancy Lim

Tulong ng China sa Pinas ibinida ng Malacañang

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihanay kahapon ng Malacañang ang ilan sa proyektong naitulong ng China sa Pilipinas sa kabila nang isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maraming proyekto na ang nagawa bunga  nang pagkakaibigan ng Pilipinas at China.

Binanggit nito ang ilang Chinese-assisted official development assistant project kabilang ang Binondo-Intramuros Bridge, Estrella-Pantaleon Bridge sa Makati-Mandaluyong, Davao City Coastal Road, Panglao-Tagbilaran City Off-shore Connector Bridge, at Dupinga Bridge and approaches.

Kaakibat din aniya ang China sa pagpapagawa ng Pasig-Marikina River at Manggahan Floodway Bridges Construction Pro­ject; Mindanao River Basin; at Samal Island-Davao City Connector Project.

Ipinagmalaki rin ni Roque na maaasahan ang China kapag may kalamidad sa bansa.

“Maaasahan din po ang Tsina sa panahon ng kalamidad tulad ng lindol, bagyo, pagputok ng bulkan at sa liberasyon ng Marawi…Ang total po na naibigay po nila ay 10.89 million para po sa mga iba’t ibang mga aberya na nangyari noong taon na ito,” ani Roque.

Pagdating naman aniya sa bakuna laban sa COVID-19 ay nakapagbigay ang China ng mahigit sa 1 milyong doses ng bakuna, testing kits, masks, PPEs, ventilators at face shields.

WPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with