^
Bakunang ginamit ni Duterte âdi pa napag-aralan
Sinabi ni FDA director general Eric Domingo na personal na napili ng Pangulo ang Sinopharm at pasok naman ang punong-ehekutibo sa inilabas nilang ‘compassionate special permit’ para magamit ang naturang uri ng bakuna.
AFP/ Joel Saget

Bakunang ginamit ni Duterte ‘di pa napag-aralan

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa napag-aaralan kung ligtas at mabisa ang Sinopharm COVID-19 vaccine na ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi pa nabibigyan ito ng ‘emergency use application (EUA), ayon sa Food and Drugs Administration (FDA).

Sinabi ni FDA director general Eric Domingo na personal na napili ng Pangulo ang Sinopharm at pasok naman ang punong-ehekutibo sa inilabas nilang ‘compassionate special permit’ para magamit ang naturang uri ng bakuna.

“’Pag sinabing compassionate special permit, hindi po ‘yun authorization na binigay ng FDA. In this case, yun pong head ng PSG hospital siya ang naga-guarantee na inaral niya ang bakuna and they take full responsibility for it. Sa amin po dito sa FDA, di pa po namin na-evaluate ang bakunang iyan,” paliwanag ni Domingo.

Base sa ebalwasyon ng World Health Organization (WHO), ligtas naman umano ang Sinopharm vaccine na hawig sa bakuna ng Sinovac.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagpapabakuna ng Sinopharm ni Pangulong Duterte ay base sa payo ng kaniyang doktor at personal ring pinili ng lider ng bansa.

Naniniwala rin si Duque na ang pagpapabakuna ng presidente ay makakatulong para mapalakas ang kumpiyansa ng mga tao sa COVID-19 vaccine.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with