^
Duterte walang side effect sa Sinopharm
Ace Morandante/Presidential Photo
STAR/ File

Duterte walang side effect sa Sinopharm

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang naramdaman si Pangulong Rodrigo Duterte na side effect sa bakuna laban sa CO­VID-19 matapos maturukan kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala namang naging problema matapos maturukan ng Sinopharm vaccine na mula sa China ang Pangulo.

Ikinuwento pa ni Ro­que na pagkatapos magpabakuna ng Pangulo ay nanguna pa ito sa meeting ng Inter-Agency Task Force na tumagal ng halos dalawang oras.

Tiniyak din ni Roque na walang “adverse reaction” na nangyari sa Pangulo matapos mabakunahan.

Ang ikalawang dose ng bakuna ay ibibigay sa Pangulo matapos ang isang buwan.

CO­VID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with