^

678 bagong kaso ng COVID-19 variants, natukoy

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natukoy ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 678 mga bagong kaso ng COVID-19 variants sa bansa mula sa 744 samples na isinailalim sa ‘sequencing’.

Base sa ‘whole-genome sequencing report’ ng Philippine Genome Center (PGC), natukoy ang 289 na kaso ng B.1.1.7 variant (UK variant), 380 kaso ng B.1.351 variant (South African) at siyam na kaso ng P.3 variant.

Sa bagong UK variants, 48 kaso ay mga ‘returning overseas Filipinos (ROFs), 185 ay mga lokal na kaso at 56 pa ang bine­beripika. Tatlong kaso ang aktibo pa, dalawa ang nasawi at 284 ang nakarekober na.

Sa natuklasang South African variants, 107 ay mga ROFs, 196 ay mga lokal na kaso at 77 ang bineberipika. Isang kaso ang aktibo pa at 379 ang nakarekober na.

Habang ang siyam na bagong P.3 variant, tatlo dito ay mga ROFs, apat ang lokal na kaso at dalawa ang bineberipika. Lahat ng siyam na kaso ay pawang mga nakarekober na.

Iginiit naman ng DOH na ang P.3 variant na unang natuklasan sa Pilipinas ay hindi pa isinasama sa ‘variant of concern (VOC) dahil sa kulang pa ang mga datos kung ito ay may malaking epekto sa pampublikong kalusugan.

Nilinaw rin ng ahensya na ang B.1.351 o South African variant ay hindi pa ang ‘dominant variant’ sa Pilipinas. Ito lamang umano ang may pinakamara­ming kaso sa bansa sa mga variants ng COVID-19 na tukoy na ng mga eksperto.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with