_ngayon
^

‘Blended learning’ nakaapekto sa isip, kalusugan ng mga guro

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinabahala ni ACT Teachers Rep. France ang ulat na mahigit 70% ng mga guro sa pampublikong paaralan ang umaming nagkaroon ng negatibong epekto sa kanila ang ‘blended learning’.

Base sa online survey ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), nakaa­pekto sa kaisipan at pisikal na kalusugan ng mga guro ang napakaraming worklodad sa distance learning.

Samantala, nasa 10 % naman ang umaming nagkakasakit na sila dahil sa mas mabigat na tungkulin ng bagong sistema ng pagtuturo.

Ayon pa kay Castro, nakatanggap rin sila ng mga report na dumaranas ng matinding hypertensiyon, sobrang stress, kulang sa pahinga, panlalabo ng mga mata, pananakit ng mga muscle, pamamanhid ng mga kamay, pananakit ng likod at depresyon ang mga guro dahilan sa sobrang dami ng trabaho sa blended learning bukod pa sa kulang ang suweldo ng mga ito.

Samantala, obligado rin ang mga guro na magsumite ng mas maraming report sa implementasyon ng distance learning alinsunod sa kautusan ng DepEd.

Idinagdag pa ni Castro na dahil sa pagpapalawig ng school year ay mapipilitan ang mga guro na mag-overtime ng 77 araw para sa taong ito kung saan nagtrabaho ang mga ito ng 13 buwan na walang summer break bukod pa sa hindi nababayarang Overtime Pay.

ACT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with