^

Final SONA ni Duterte pinaplantsa na

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa isyu ng COVID-19 pandemic, pareho pa rin ang magiging setup ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.

Ito ang inihayag ni House Speaker Lord Allan Velasco nang matanong kung may ikinakasa nang paghahanda sa SONA.

Ito na ang huling SONA ni Pangulong Du­terte dahilan sa gaganapin na ang national elections sa Mayo 2022.

“Sa tingin ko po it’s going to be the same as last year( 2020), iilan lang po ang papayagan natin mag-attend sa SONA,” pahayag ni Velasco.

Upang matiyak ang proteksyon sa kaligtasan at kalusugan ni Pangulong Duterte ay kaila­ngan limitado lamang ang pahintulutang pisikal na makadalo sa SONA habang ang iba pang mambabatas ay via Zoom.

Sa ilalim ng Saligang Batas, obligado ang Pa­ngulo na maglahad ng kanyang SONA bago ang joint session ng Kongreso sa ika-apat na Lunes ng Hulyo para i-report ang estado ng bansa at ma­ging patungkol sa mga agenda ng pamahalaan.

Bilang bahagi ng safety at health protocols ay mahigpit na ipatutupad ang social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.

Ginaganap ang SONA sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

COVID-19 SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with